Shop-fabricated House (DOST technology)

Ito ay isang portable na bahay na maaaring matupi hanggang sa 1/3 ng laki nito. Ito ay tinagurian ding Fold-away Shelter o F-Shelter. Ginagamit ito bilang pahingahan ng mga manggagawa sa isang construction site, lalagyan ng pagkain at emergency supplies sa relief operation, emergency classroom, mobile clinic sa medical missions, atbp. Ito ay kayang gawin ng 4 na manggagawa gamit ang ilang simpleng kagamitan. Maaari rin itong ilagay sa sasakyan bilang mobile F-Shelter.

Iminumungkahi ko ang paggamit nito ng gobyerno natin para sa mga komunidad na nasunugan ng bahay o napektuhan ng landslides o lindol sa ating bansa.

– Mervin DC. Monteloyola (16th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Base Paper from Abaca Waste Fiber for Currency Notes (DOST technology)

Ngayon ko lang nalaman na ang abaca waste fiber pala ay ginagamit na sa paggawa ng specialty paper products bilang raw material. Ito rin ay ginagamit ng ibang bansa sa paggawa ng mga pera nila. Sa pamamagitan nito, mapapaunti na ang pagimport natin ng virgin wood pulps upang gawing pera. Makatutulong din ito sa pagrerecycle ng mga abaca waste, isa pang bagong alternatibo sa abaca pulp mills at sa pagdami ng trabaho sa ating bansa.

– Mervin DC. Monteloyola (15th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Handmade Paper-making (DOST technology)

Ito ay gumagamit ng fibrous materials tulad ng rice straw, abaca wastes, maguey, banana trunks, cogon grass, waterlily, sugarcane bagasse at waste paper. Hindi na ito nangangailangan ng makinarya upang magawa. Tatlo lang ang kinakailangang proseso: Pulping, Beating at Sheet forming. Ito ay maaaring gawing cards, kahon, bags, folders, gift-wraps at iba pang gamit pang-dekorasyon. Makatutulong ito sa kalikasan dahil sa paggamit nito ng lokal na agro-forest waste materials. Mapapaunlad pa natin ang ating creativity skills sa paggawa nito. 🙂

– Mervin DC. Monteloyola (14th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Drying Tunnel (DOST technology)

Ito ay isang sisidlan para sa pagpapatuyo ng mga furniture at handicraft na produkto sa ilalim ng kontroladong temperatura. Ito ay pwedeng maging isang container van o isang sisidlan na gawa sa GI sheets at bakal na framings. Gumagamit ito ng blow-thru principle: ito ay pinahahanginan upang mabilis matuyo, gamit ang ispesipikong init ng hangin na pwedeng baguhin depende sa pangangailangan ng produkto. Mabisa ito dahil maaari itong magamit kahit masama ang panahon dahil nasa loob ng sisidlan ang pinapatuyong produkto.

– Mervin DC. Monteloyola (13th Blog post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Solid Wood Bending(DOST Technology)

Ang solid wood bending ay isang proseso ng pagpapausok, pagpapakulo at paglalagay ng chemical sa kahoy para palambutin ito at nang maihulma ito sa nais at permanenteng kurba. Ito ay ginagamit sa paggawa ng mga bangka at iba pang kagamitan na nangangailangan ng kurbada sa disenyo ng ibang bahagi nito. Nakatutulong pa ito sa kalikasan dahil sa mas kaunting waste products kumpara sa nakasanayang proseso. Ito ay tinaguriang pinakasimple at pinakamurang paraang ng pagkukurba ng mga kahoy.

– Mervin DC. Monteloyola (12th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Motorbike Gutter and Yard (street) Sweeper by Engr. Ernesto G. Pineda

Motorbike Gutter and Street Sweeper

Sobrang astig nitong imbensyon na gawa ng isang Pilipinong Inhinyero. Sa pamamagitan nito, mapapabilis ang pagwawalis sa kalsada. Maliligtas pa sa aksidente ang mga street sweepers natin dahil mapapansin sila agad. 🙂

para sa karagdagang detalye: http://www.tapi.dost.gov.ph/index.php

– Mervin DC. Monteloyola (11th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

BOSCH Cordless Race Competition

Kamakailan lang ay naimbitahan ang UP Mechanical Engineering Department na lumahok sa Driving Innovation: Bosch Power Tools Asia Cordless Race 2011 na gaganapin sa May 15, 2011 dito sa Pilipinas. Katunggali natin ang iba’t ibang kolehiyo sa bansa tulad ng Mapua, Letran, Don Bosco, atbp. Ang mananalo sa competisyon ay ipadadala sa China bilang Team Philippines sa nasabing competisyon.

Ang mga miyembro ng Team UP ay pawang estudyante sa ME. Sila ay inatasang mag-design at bumuo ng “Li-Ion Vehicle” na gagamit ng 4 pcs na BOSCH GSB 18V-LI Professional cordless impact drill/drivers (“the power tools”) para paandarin ang kanilang vehicle.

– Mervin DC. Monteloyola (10th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Kidlat: Shell Eco-Marathon 2011 vehicle of Team UP

Kahapon, March 25, 2011 ay naganap ang Unveiling Ceremony ni Kidlat, ang entry ng Team UP sa Urban Concept Category ng Shell Eco-Marathon 2011 na gaganapin sa Sepang International Circuit, Malaysia. 

para sa karagdagang detalye: http://www.teamup-sem.com/

pwede nyo rin itong i-like sa Facebook: http://www.facebook.com/teamupkidlat

– Mervin DC. Monteloyola (9th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

LED Lights in Quezon City

Isa ako sa miyembro ng LED lamp group sa CE22THU2 ngayong 2nd Sem 2010-2011. At namangha ako nang mabalitaan ko ang isang balita na pagmungkahi ni Mayor Herbert Bautista na palitan ng LED light ang mga nakagawiang street light sa Quezon City. Isa lang itong patunay na napakalaki nga ng maitutulong ng LED light bulbs sa pagtitipid ng kuryente.

para sa karagdagang detalye: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=607683

– Mervin DC. Monteloyola (8th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment

New Breakthrough in Philippine Transportation

Kamakailan lang ay nabalitaan ko ang pagkakaroon ng Wifi connections sa mga Bus sa Pilipinas. Dati-rati ay sa mga industrialized areas lang mayroon nito, tulad sa mga coffee shops, ibang pang-mayaman na kainan at ibang lugar na madalas puntahan ng mga may sapat na salapi. Ngunit sa pagtatapos ng taong 2010 ay nagkaroon na rin ng wifi sa ialng bus sa ating bansa. Iba talaga ang Pinoy! 🙂

Para sa karagdagang detalye: http://jeromeancheta.com/2010/11/jac-liner-first-wi-fi-bus-in.html

– Mervin DC. Monteloyola (7th Blog Post)

Posted in Uncategorized | Leave a comment